Tuesday, May 19, 2020

BREAKING: Francis Leo Marcos, Nahuli na!


MANILA, PHILIPPINES - Inaresto na ng National Bureau of Investigation o NBI ang Businessman na si Francis Leo Marcos na isang businessman at isa ring Internet Personality o Vlogger sa Youtube.

Nasa kustodiya na ng NBI si FLM dahil umano sa paglabag nito sa Optometry Law na sinampa sa kanya sa Baguio City.

SOURCE: ABS-CBN News/Nikolo Baua

Hindi pa nailalabas ang buong detalye ng kaso ni FLM.

Matatandaan na si Francis Leo Marcos ay nakilala ng milyon milyong netizens sa Social Media dahil sa kanyang "MAYAMAN CHALLENGE" na ang layunin ay hamunin ang mga tao na katulad niya na magdonate at tumulong para sa mga apektado ng COVID-19 Pandemic.

Si Francis Leo Marcos ay nakilala ng mga netizens dahil sa kanyang angking kabutihan at bukas palad sa pagtulong ng nakararaming pilipino.

Ang kanyang Youtube Account ay umabot na ng 1 Million Subscribers.

-report from Matteo Lee FAITHBOOK PHILIPPINES

No comments:

Post a Comment